Halos hapon na nang makauwi sina Felix at Pretzel. Hindi pa sila nakakapananghalian kaya sa bahay nina Aling Caring sila dumiretso. Ang kanyang Tatay ang una niyang nakita na nasa labas at nagpapahangin. "Tay!" Tawag niya rito malayo pa siya. Mabilis ang lakad niya dahil excited siyang ibalita sa kanila ang resulta ng check-up niya. "Naku kang bata ka! H'wag kang tumakabo at baka madapa ka!" Suway ng matanda sa kanya nang malakas ngunit parang wala naman itong narinig. Napatayo pa ito sa kinauupuan dahil ninerbyos siya bigla. Mabilis lang ang mga hakbang niya, hindi naman siya tumatakbo. "Si Nanay po?" Unang niyang tanong sa kanyang tatay-tatayan na halos atakihin na sa puso. "Wala pa ang Nanay mo, hindi pa umuuwi. Baka nakipagkita pa sa boyfriend niya." Pabirong sagot ng matanda. "N