Araw na ng Linggo, plano ni Felix na bumalik muna sa Maynila upang gampanan ang tungkulin niya sa kanilang kompanya ngunit nagdadalawang isip siya sa pag-alis. Naroon pa kasi sa Isla si Elyana at pareho sila ni Felicity nang iniisip na babalik pa ito anumang oras at araw. Dagdag lang itong proproblemahin, aniya. Ang dahilan kung bakit gusto niya pang manatili ay dahil medyo okay na sila ni Pretzel, wala na gaanong bangayan, hindi na rin ito masungit gaya ng dati. Hindi nga siya makapaniwala at kagabi bago siya matulong ay pinagdasal niya pa sa Diyos na sana magtuluy-tuloy na at maging maganda na ang samahan nila. Para sa anak nila, para magawa na niyang suyuin ito. Binilin na niya sa mga trabahador niyang iiwanan sakali kung ano ang mga gagawin. Pinagkatiwala na niya sa isa sa kanila ang