Alwena Nahiga na lamang ako sa tabi ng anak ko at saka marahang hinaplos ang pisngi niya. Napakahimbing ng tulog niya. Mabuti na lamang at hindi namin siya nabulabog ng ama niya. Hindi pa man ako sigurado pero malakas ang loob ko na pina-DNA test siya ni Chloe pero papaano naman ang anak ni Ligaya at nasaan na kaya sila ngayon? Sigurado akong si Chloe ang kumuha sa kanila pero bakit niya pa ginawa iyon gayong alam na pala niya na si Charleigh ang tunay niyang anak? Haayst. Imposible namang maging anak niya rin ang anak ni Ligaya. Hindi maaari iyon. Nakatulugan ko na lamang ang pag-iisip ngunit hindi pa man gaanong lumalalim ang pagtulog ko ay naramdaman ko ang paglundo ng kama sa likuran ko at pagyakap sa akin ng sinuman kasabay nang pagsuksok niya sa batok ko at paghalik sa balat ko.