Alwena "Dade, dito pa po!" "Meron pa? Sige, lilinisan natin lahat 'yan." Naririnig ko na naman ang tinig ng mag-ama ko sa sala. Kalalabas ko lamang ng bathroom mula sa pagligo at nakasuot pa ako ng robe. Nakabalot pa rin ng tuwalya ang buhok ko. Lumabas ako ng silid ni Chloe at naglakad sa hallway sa ganitong hitsura. Sinilip ko ang ginagawa ng dalawa at nakita kong abala na naman sila sa paglilinis. Hawak ni Chloe ang walis-tambo at nagwawalis sa buong sala. Samantalang feather duster naman ang bitbit ni Charleigh at nililinis ang mga alikabok sa mga sofa at mesa. Napa-cross arm ako at napasandal sa pader habang pinagmamasdan silang dalawa. Isang linggo na ang lumipas at nagmistula akong reyna sa condo unit na ito. Si Chloe ang gumagawa ng lahat ng mga gawaing-bahay. Siya ang naglil