Weeks Passed Alwena "May balita ka na ba tungkol kina Ligaya?" tanong ni Paul sa kabilang linya ng telepono. "Ha? Wala pa, eh." Napahinto naman akong bigla nang maalala ko ang mag-inang iyon. Masyado akong naaliw kasama ang mag-ama ko sa loob ng ilang linggo kaya't biglang nawala sa isip ko si Ligaya at ang anak niya. Naging focus lang din kasi sa amin ni Charleigh si Chloe sa tuwing natatapos siya sa trabaho. Tuwing weekends ay kung saan-saang pasyalan kami dinadala ni Chloe at tuwing linggo ay nagsisimba naman kami at nagma-mall, kasama na doon ang paggo-grocery para sa isang linggo naming stocks dito sa unit. Talaga ngang pinatutunayan niya sa akin at sa anak niya na mahal na mahal niya kami at kami lang ang importante para sa kanya. Ngayon naman ay naghahanda na kami para sa pag