Alwena "Ang ganda naman talaga ng anak kong ito!" Napangiti ako nang pumasok si nanay dito sa loob ng silid namin ni Chloe at kaagad na lumapit sa akin. "Thank you, Nay. Sa tulong din ni Charlotte. Kayo din naman, Nay!" Saglit akong yumakap sa kanya. Nakasuot na rin siya ng kanyang gown. Nakangiti naman akong bumaling kay Charlotte na walang sawang nag-aayos sa akin at siya rin ang tumulong sa akin sa pagsusuot ng gown ko. "You're even beautiful, Ate if you don't have make-up. Kaso kailangan natin mag-make up, eh," natatawa naman niyang sagot bago siya humarap sa salamin at ang sarili naman niya ang inayusan niya. Nakabihis na rin siya ng gown niya dahil isa siya sa mga abay ko. Si Allison naman ang maid of honor ko at si Chase ang bestman ni Chloe. "Thank you talaga, Charlotte. A