Alwena Nagising ako sa isang puting silid. Namimigat ang ulo ko at umiikot ang paligid ko ngunit pinilit ko pa ring makabangon. "Ah." Ngunit napadaing ako at napasapo sa ulo ko nang mas lalo lamang itong kumirot. May tela akong nahawakan na para bang nakabalot sa ulo ko, na ipinagtaka ko. "Weng, huwag kang masyadong magkikilos. Humiga ka lang." Napalingon ako sa kaliwang bahagi ko at nabungaran ko doon si April na puno ng pag-aalala habang nakatitig sa akin. Hinawakan niya ako at muling inalalayang makahiga. "A-April, a-anong nangyari?" Napalibot ang paningin ko sa buong paligid at tanging siya lang ang taong nakikita kong kasama ko dito sa loob. "Nandito kayo sa hospital. Mabuti na lang at naisugod ka kaagad at naagapan ang malaking sugat sa ulo mo, pati na rin ang baby sa tiyan