CHAPTER 34: Darkness

1089 Words

Alwena "Wena!" Ramdam ko ang patuloy na pagsunod sa amin ni Chloe. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo ko hanggang sa tuluyan na kaming makalabas ng hotel ni Charleigh. "Wena, dito!" Nagulat naman ako nang bigla na lamang sumalubong sa akin si Paul at mabilis na kinuha sa akin si Charleigh. Ipinasok niya ito sa loob ng backseat ng isang taxi na nakabukas na ang pinto at natanaw ko sa loob, sa unahang bahagi si Ligaya. Walang pag-aalinlangan na rin akong sumunod doon at pumasok din sa loob. Matapos ay kaagad isinara ni Paul ang pinto at mabilis na nagtungo sa unahan at pumasok sa driver's seat. "Wena! Please, let's talk first! Don't leave!" Halos mapatalon naman ako sa gulat nang malakas na pinagkakatok ni Chloe ang nakasarado ng pinto at pilit niya itong binubuksan. "Paul, bilisan mo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD