Alwena "Hindi ko alam kung ano 'yong plano nila at isa pa, huwag kang maniwalang hindi pa rin siya nakakalakad hanggang ngayon." Muli akong natigilan sa sinabi niya. "Anong ibig mong sabihin?" "Magaling na siya, matagal na. Nasaksihan ng dalawa kong mga mata. Nakuhanan ko siya ng video sa Mall sa Taguig kung saan naroroon din kayo ni Chloe. Kaya lang ay nakita ako ng isa sa mga barkada niya at inagaw niya sa akin ang phone ko." "Kaya ba hindi na kita ma-contact?" "Oo. Isasama sana nila ako noong mga oras na iyon para iharap kay Yesha pero dumating naman ang mga tao ni Chloe at sila ang kumuha sa akin. Nagkausap kami ni Chloe at binigyan niya ako ng kundisyon para magpanggap sa harapan mo." Napayuko siya sa harapan at nag-iwas ng tingin sa akin. "Alam ko na 'yan. Nasabi na sa akin ni