Alwena "Nay, para saan po ang mga 'yan?" tanong ko kay Nanay nang makita kong nagpapakayod siya ng maraming niyog sa isa sa mga pinsan kong lalaki dito sa likod-bahay sa parte ng kusina namin. Sementado ang ilang bahagi dito. Nasa kaliwang bahagi ang malawak na swimming pool na napapalibutan ng bermuda grass at may mga naggagandahang mga halaman at bulaklak sa palibot ng bakuran. May mga matataas din na puno ng mangga at may dalawang duyan na nakakabit doon kung saan palagi kong tambayan. Napakunot din ang noo ko nang makarinig ako ng iyak ng mga baboy sa 'di kalayuan, sa kanan namang bahagi kung saan may gate para sa likod kung saan naroroon ang malawak na farm na nabili nga nila Charles and Chloe. Pati na rin ingay ng mga kambing at manok. Ang alagaan kasi ng mga hayop nila tatay a