Third Person "Anak?" Napalingon si Chloe sa kanyang ina na kapapasok lang sa pinto ng kanyang silid at may dalang baso ng tubig at ilang piraso ng gamot. Si Chloe naman ay nasa harapan ng bintana at nakatulala na naman sa labas, katulad nang nakagawian na niya matapos niyang makalabas ng hospital. Nakaupo siya sa wheelchair niya dahil hanggang sa ngayon ay sumasailalim pa rin siya sa ilan pang physical therapy. "Oras na nang pag-inom ng gamot." Nakangiting lumapit si Lhevy sa kanyang anak at iniabot ang ilang piraso ng gamot. Tahimik naman itong tinanggap ni Chloe at ininom. Walang mababasang anumang emosyon sa kanyang mukha at wala ring buhay ang kanyang mga mata. Bahagya pa lang tumutubo ang buhok sa ulo niya matapos matuyo ang malaking sugat na tinamo niya sa isang aksidente. T