CHAPTER 38: Drawing

1853 Words

Alwena Lumipas ang ilang linggo hanggang sa maging buwan na wala pa ring magandang balita tungkol kay Chloe, mula sa pamilya niya. Hanggang ngayon ay comatose pa rin siya sa ICU. Gustong-gusto ko nang lumuwas ng Manila ngunit mas lalong naging maselan ang kundisyon ko ngayong lumalaki na ang aking tiyan. Nilalagnat ako at palaging nagsusuka. Mabuti na lang at naririyan sila nanay at Allison na siyang matyagang nag-aalaga sa akin. Si tatay kasi ay abala sa bukid at sa mga alaga naming hayop. Nalaman kong bumili rin ng ekta-ektaryang lupa dito si Chloe na katulad ni Charles at ginawang palayan. Ang iba ay ginawang alagaan ng iba't ibang klase ng hayop. May mga katulong naman daw si tatay sa bukirin at sa pag-aalaga ng mga hayop na siyang binibigyan niya ng upa tuwing kinsenas at katapusa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD