Alwena "Go, Dade! Go, Dade! Go, Dade!" pagchi-cheer ni Charleigh kay Chloe habang naglalakad ng marahan ang daddy niya dito sa malawak na likod-bahay. Walang sapin ang kanilang mga paa dahil sakop naman ng bermuda grass ang buong kalupaaan dito kaya maalwang maglakad. Isang linggo na rin ang lumipas at gano'n kabilis naka-recover ang mga binti ni Chloe mula sa araw-araw niyang pag-eehersisyo sa umaga. Nakatulong din sa kalusugan niya ang mga preskong gulay at isda, gano'n na rin ang pagchi-cheer sa kanya palagi ng aming anak. Puno ng saya at pagmamahalan ang araw-araw namin. Kay sarap sa pakiramdam. Sobrang luwag ng pakiramdam ko ngayon at kay sarap mabuhay sa tuwing sila ang palagi kong nagigisnan araw-araw. "Ang galing! Ang bilis na ni Daddy!" natutuwa ko din namang sagot na may kasa