Alwena "Are you alright?" Napalingon ako kay Chloe na ngayon ay naghahanda na para sa pagtulog. Ang mag-inang Ligaya at Lilly ay sa guest room na lang muna namin pinagpahinga at bukas na namin sila ipahahatid sa tinitirhan nila ngayon. "Chloe, kumusta ang kaso ni Paul?" "Why?" Lumapit ako sa kanya at sumampa na rin sa kama. "Naka-schedule na ang pagpataw ng court sa kanila." Napayuko ako at ramdam ko ang pagbigat ng dibdib ko. Malamang ay kasama na rin doon ang mga kaibigan ni Yesha. Sa pagkakaalam ko ay hindi na rin idinawit pa ng husto ng mga taong 'yon ang pangalan ni Yesha sa kasong ito. Hindi ko alam kung bakit kaya naman nakaligtas siya at hinayaan na ng court. Samantalang si Paul ang pinagdiriinan nila ngayon, na may hinala ako na ginamit lang nila at na-brainwash kaya siya