Alwena Lumipas ang ilang araw. "Ma'am, may tawag po mula sa guard house. Kayo daw po ang hinahanap," ani ng isa sa mga katulong namin habang hawak ang telepono. "Sino daw?" Kaagad naman akong napalapit sa kanya habang nangungunot ang noo at nagtataka sa kung sinumang tatawag sa akin. Wala naman akong inaasahan sa telepono dahil may cell phone naman ako. "Ligaya daw po." Kaagad namilog ang mga mata ko sa sinabi niyang iyon. Ipinasa niya rin kaagad sa akin ang telepono. "Hello. Good morning," kaagad kong bati. "Good morning po, ma'am. Si Ma'am Alwena na po ito?" "Yeah. Sino ito?" "Sa guard house po, Ma'am. May naghahanap po sa inyo, Ligaya Ortiz daw po. May kasama pong bata." "Ahm--" Napalingon naman ako sa hagdan nang makita kong bumababa na si Chloe doon. "Kuya, sandali, ha." "