Alwena Matapos ang napakasaya at hindi malilimutang bakasyon namin sa Mindoro ay heto na, nakabalik na kaming muli ng Manila. "Daddy, matagal pa ba?" tanong ko kay Chloe habang patuloy kami sa marahang paglalakad. Nakaalalay siya sa akin dahil napakadilim ng paligid ko. Nilagyan niya ako ng blindfold dahil may surpresa kuno daw siya at sana daw ay magustuhan ko. Hindi ko naman birthday pero hayan na naman siya sa mga pa-surprise niya. "We're already here. Are you ready? " "Si Charleigh ba nand'yan?" "Yes." "Mama!" Kaagad kong narinig ang tinig ni Charleigh na sa tingin ko ay nasa malapit lang. So, alam din ng bulinggit na 'yon kung ano itong pakulo ng daddy niya at magkakutsaba palagi sila. Napakunot din ang noo ko dahil pakiramdam ko ay hindi lang kaming tatlo ang naririto ngayo