Alwena "Mama!!" "Dahan-dahan, anak!" sigaw ko kay Charleigh na ngayon ay tumatakbo sa mahabang tulay mula sa kabilang treehouse patungo dito sa treehouse na kinaroroonan ko rin. Nasa likuran naman niya ang daddy niya at masayang sinusundan siya. "Careful, baby," ani Chloe sa kanya. Safe naman ang tulay dahil may matataas na harang ang bawat gilid at bukod sa mga matitibay na kahoy ay sinamahan na rin ng mga bakal ang pagkakagawa sa mga treehouse at tulay. Naririto kami ngayon sa lugar ng mga lolo at lola ni Chloe. Dito na muna kami mananatili sa loob ng isang buwan at parang honeymoon-vacation na rin namin bago kami bumalik muli ng Manila. December na rin sa susunod na buwan kaya dito na rin kami magpapasko at New Year, kasama ang buong pamilya. Pinasadya rin daw talaga ang mga tr