Alwena Taimtim at puno ng pagmamahal na nakatitig sa akin si Chloe habang nasa gitna kami ng bulwagan at marahang sumasayaw sa isang saliw ng musikang nakaka-in love. Rest na kinanta ni Bruno Mars at pakiramdam ko sa mga oras na ito ay sa aming dalawa lamang umiikot ang mundo. Malaya, matibay at wala nang sinumang makakatibag pa sa aming dalawa. Pakiramdam ko ay nananaginip pa rin ako sa mga sandaling ito dahil hindi ko akalaing mangyayari ang pinaka-pinangarap kong ito sa buhay naming mag-ina. Ang mabuo kaming muli. Natupad na ang pangarap ni Charleigh na makita at makasama ang tunay niyang ama na palagi niyang sinasabi sa akin noon. Biglang sumagi sa isipan ko si Paul. Naging mabuti din naman siya noon sa aming mag-ina at hindi ko pa rin mapigilang malungkot sa sinapit niya ngayon.