"Ano bang ginagawa mo?" tanong ni Afiya na siyang natigilan nga sa paglalakad at hinarap si Shakir na nasa kaniyang likuran ngayon.
"A--ako?" Naguguluhang turo ni Shakir sa kaniyang sarili dahilan upang mapapikit saglit ang dalaga at mapabuntong-hininga.
"May iba pa ba akong kasama dito bukod sa iyo?" sarkastikong tanong ng dalaga.
"A--ano bang ibig mong sabihin binibini?"
"Bakit nandiyan ka sa likuran ko? At bakit kanina ka pa parang natatakot at nag-aalinlangan na kausapin ako?" sunod-sunod na tanong ni Afiya na siyang dahilan upang matigilan at mapalunok sa kawalan ang babaylan.
Ngunit kapwa nga natigilan ngayon ang dalawa nang makarinig sila ng sigaw mula sa kalayuan kasabay nang pag-iiba ng kulay ng hawak na dahon ni Shakir.
"May manananggal malapit sa atin," ani Shakir dahilan upang mabaling ang tingin ni Afiya sa hawak nitong dahon ng makabuhay na kung kanina ay kulay berde, ngayon ay naging kulay pula.
Buntong hiningang tumango si Afiya na ngayon ngay humarap na sa kanilang harapan kasunod ng madalian niyang pagtakbo patungo sa pinanggagalingan ng ingay.
Natigilan ang dalawa sa tapat ng isang malaking bahay at kapwa ngayon nabaling ang tingin sa itaas kung saan naroon ang isang babaeng manananggal na siyang hawak-hawak ang isang sanggol at akmang ililipad na ito palayo ngunit mabilisan namang nakapaglabas ng asul na ilaw si Afiya mula sa kaniyang palad patungo sa kinaroroonan ng manananggal dahilan upang maantala ito sa paglipad at mahulog ngang tuluyan ang sanggol na dala-dala.
Dahilan ito upang halos sabay na manlaki ang mga mata nila Afiya at Shakir at sa hindi inaasahang pagkakataon, ay bigla na lamang natigilan sa pagkahulog ang bata at ngayon ngay nakalutang sa ereng unti-unting pumunta sa direksyon ni Shakir.
Wala namang pasubaling kinuha ni Shakir ang sanggol nang tuluyang nasa harapan na niya ito.
"P--papaano--"
Hindi na nga natuloy pa ni Afiya ang kaniyang sasabihin nang lumipad ng pagkabilis-bilis ang manananggal at tuluyan nga siyang nakuha nito palipad sa ere.
"Isang sirena," usal ng manananggal habang nakangisi at akmang magsusubok na ngang idikit ang dila sa bandang leeg ni Afiya ngunit agad nga niya itong nasuntok sa mukha kasunod ng kaniyang pagtitig sa mga mata ng manananggal.
Kalaunan ay naging kulay asul ang mga mata ni Afiya kasunod ng pagtigil ng mundo ng mananangal at sa hindi nga malamang dahilan ay unti-unting pumatak ang mga luha mula sa mga mata nito kasabay ng kaniyang panghihina at pagbitaw sa amatista ng Nero bago pa man ito bumagsak din sa lupa.
"Afiya," sambitla ni Shakir na siyang napatakbo nga sa binagsakan ng dalaga.
"Ang anak ko," ani ng babaeng kakalabas lamang sa tapat na bahay at kasama ang kaniyang asawang nilapitan si Shakir at kinuhang agad ang sanggol.
Agad ngang tinulungan ni Shakir na makatayo si Afiya matapos na mabitawan ang sanggol na hawak-hawak nito.
"Ayos ka lamang ba?" tanong ni Shakir na siyang marahan din namang tinanguan ng amatista na ngayon ngay inunat ang leeg kasabay ng mabilisang paghilom ng sugat na natamo niya sa pagkabagsak.
Agad itong naglakad patungo sa manananggal, na siyang naguguluhan sa nangyayari habang hawak-hawak ang kaniyang nanakit na ulo at hindi pa rin nga maawat ngayon sa pag-iyak.
"H--huwag niyong gawin ito sa aking kapatid, parangawa niyo na!" sigaw ng manananggal na tila ba nasisiraan na ng bait nang sunod-sunod na lumabas ang masasakit na ala-ala mula sa kaniyang nakaraan.
"Shakir, may kabal ka ba diyan na makakapagpatulog muna sa manananggal na ito?" tanong ni Afiya na siyang dahilan upang agad-agad na tumango si Shakir at kinuha nga ang maliit na bote mula sa kaniyang sisidlang dala-dala.
Marahan na ipinaamoy ni Afiya ang laman ng bote sa manananggal kasunod nang unti-unting pagpikit ng manananggal at tuluyang pagkawalan ng malay.
"S--sino kayo?" tanong ng tatay ng sanggol dahilan upang mabaling ang tingin nila Shakir at Afiya dito.
May hawak-hawak ngayong baril ang lalaki na siyang nakatutok sa kanila.
"Huwag kayong lalapit sa amin! At huwag niyong susubukang kunin ang aming anak tulad ng ginawa ng halimaw na iyan!" sunod-sunod na bulalas ng ama ng sanggol dahilan upang halos sabay ngang mapabuntong ng hininga si Shakir at Afiya.
Marahang tinanguan ni Afiya si Shakir bago pa man nga nito tignan ng salitan sa mata ang mag-asawa.
"Keluarkan ingatan," sambitla ni Shakir kasunod nang unti-unting pagpikit ng dalawa.
Marahang ibinaba ng lalaki ang hawak na baril at ngayon tumalikod sila ng kaniyang asawa at tuluyan na ngang bumalik sa loob ng kanilang tahanan na tila baga walang nangyari.
Buntong-hiningang ibinaling ni Shakir ang tingin kay Afiya na ngayon ay nakatingin sa walang malay na manananggal.
"May bote ka ba riyan na walang laman?" tanong ng dalaga dito na siya rin naman nga nitong marahan na tinanguan at iniabot nga ang maliit na bote dito.
Itinaas ni Afiya ang kaniyang palad patungo sa manananggal kasunod nang pag-iiba ng anyo ng manananggal papunta sa pagiging malapot na kulay asul na likido na siya ngang ikinarga ni Afiya sa boteng hawak gamit ang kaniyang kapangyarihan.
"Mukhang sunod-sunod na ang kanilang pag-atake," ani Afiya sabay tingin sa nahulog na dahon ng makabuhay na siyang kulay pula pa rin magpahanggang ngayon.
_________________________
"Sa iyong pagkawala ng ilang taon, saan ka ba talaga nagpunta Mahalia?"
"Magkwekwentuhan na lamang ba tayo Ebraheem?" sarkastikong baling na tanong ni Mahalia.
"Bakit ba ayaw mong magkwento Mahalia? Ni ang pagkaligtas mo mula sa digmaan ay ni hindi mo pa rin nakwekwento sa amin," ani Ebraheem dahilan upang matigilan si Mahalia.
"Ikwekwento ko sa'yo kung matapos nang lahat-lahat ang kaguluhan--" saad ni Mahalia na ngayon ay natigilan sa kaniyang paglalakad kasabay nang paglapat niya ng kaniyang hintuturo sa bandang bibig.
Dahilan ito upang matahimik maski si Ebraheem at tulad ni Mahalia ay inilibot din ang kaniyang paningin.
"Narinig mo rin--"
"Shhh," pakli ni Mahalia na ngayon ngay mas mabilis pa sa kisap-matang naglabas ng kulay berdeng ilaw mula sa kaniyang palad at ibinato ito sa manananggal na kamuntikan na silang atakihin ni Ebraheem.
"Mukhang naamoy na nila tayo," saad ni Ebraheem na siyang nakipagtalikuran kay Mahalia habang nakahanda ngang umatake sa oras na subukan silang lapitan ng mga ito.
Wala pang isang minuto ay sunod-sunod ngang nagdatingan sa ere ang mga manananggal na siyang pinalibutan silang dalawa.
"Anong ginagawa niyo sa aming teritoryo?" tanong ng isa sa mga manananggal na siyang natigilan nang mamukhaan si Ebraheem.
"Ang traydor na amatista ng Fotia," patuloy nito dahilan upang mapakunot ng noo si Mahalia at mabaling ang tingin kay Ebraheem. "At sino naman itong dalagang ito?"
"Sabihin niyo sa akin kung anong pakay niyo kung nais niyo pang lumabas sa kagubatang ito ng buhay," ani ng lalaki na siyang unti-unting bumaba at tumapat nga kay Ebraheem.
"Ondayo, ikaw ang kanang kamay ni Amadeo hindi ba?" tanong ni Ebraheem na siyang nakangising tinanguan ng manananggal.
"Kasama ko dito ang amatista ng Geo upang payapang makipag-usap sa inyong pinuno--"
"Payapa?" pakli ng manananggal na siyang sarkastikong natawa kasama ang iba pang manananggal.
"Sa iyo pa talaga manggagaling ang salitang iyon Ebraheem? Gayong ikaw ang dahilan kung bakit walang kapayapaan at pagkakaisa ngayon sa Fotia?"
"Ondayo, wala akong oras upang paliwanagan ka sa bagay na iyon. Kailangan mong sabihin sa amin ngayon kung saan naroon ang inyong pinuno dahil kung hindi ay--"
"Ay ano amatista?" pakling muli ng manananggal dahilan upang matigilan at mapabuntong hininga na lamang si Ebraheem.
"Susunugin niya ang buong kagubatang ito at sisiguraduhin kong uubusin ko ang natititira niyong mga lahi," ani Mahalia dahilan upang mabaling ang tingin dito ni Ondayo.
"At sino ka namang--"
"Ako si Mahalia, ang amatista ng Geo at ang anak ng tagapangalaga ng buwan na si Mayari," pakli ni Mahalia dahilan upang saglitang matigilan ang manananggal na kalaunan ay sarkastikong natawang muli kasama ang kaniyang mga kapwa manananggal.
"Ang amatista ng Geo?" sarkastikong tanong nito habang nakangisi at mas nilapitan nga ngayon si Mahalia.
"Kung ako sa'yo ay tumahimik ka nalang Ondayo at sundin siya," ani Ebraheem ngunit sinamaan lamang siya ng tingin nito.
"Matagal ng patay ang amatista ng Geo, at matagal na ring patay ang Geo, kaya huwag na huwag mo akong lilinlangin o tatakutin binibini!" bulalas ng manananggal dahilan upang mapabuntong ng hininga si Mahalia at ngayon ay naglahong bigla mula sa kaniyang kinatatayuan at lumitaw nga sa likod ni Ondayo habang sakal-sakal na ito.
"Hindi ako tulad niyong mga manananggal, hindi ko gawain ang manlinlang!" bulalas ni Mahalia na siyang nagpakawala nga ng berdeng ilaw mula sa kaniyang palad at itinutok ito sa manananggal.
"Ngayong nandito na ako ay hindi ako makakapayag na biktimahin ng sino man sa inyo ang mga tao," ani Mahalia na mas hinigpitan pa ang pagkakasakal sa manananggal dahilan upang manlaki ang mga mata nito at manginig sa takot na tuluyan ngang pakawalan ni Mahalia ang ilaw patungo sa kaniyang mukha.
"B--bitawan mo ako!" Nanginginig na sambit ni Ondayo na siyang tinignan nga ang mga kasama ngunit tulad niya ay natigilan rin ang mga ito at nag-aalangang lapitan siya upang tulungan.
"Ang sino mang lumapit sa kanila ay walang pasubali kong susunugin," ani Ebraheem na siyang nagpakawala nga ng apoy mula sa kaniyang palad.
"Ngayon," usal ni Mahalia na siyang mas inilapit ang bibig sa tenga ni Ondayo. "Sabihin mo sa akin kung nasaan ang pinuno niyong si Amadeo."
_________________________
"Tulungan ninyo ako parangawa niyo na iho at iha!"
"Bitawan mo siya!" bulalas ni Shakir sa manananggal na hawak-hawak ngayon ang isang matandang babae.
Natawang sarkastiko ang lalaking manananggal. "At bakit ko naman gagawin iyon?"
"Dahil kung hindi ay--"
Bago pa man nga maibato ni Afiya ang kaniyang kapangyarihan patungo dito ay agad nga itong nakalipad palayo dahilan upang halos sabay silang napatakbo ni Shakir upang habulin ito.
"Estoy molesta!" bulalas nga ni Afiya na siyang tulad ni Shakir ay hingal na hingal na nga at pinagpapawisan habang hinahabol ang manananggal.
"Hindi niyo ako mahahabol mga t@ng@!" bulalas ng manananggal na siyang natawa nga ng pagkalakas-lakas at umikot-ikot nga sa ere upang pagurin ang dalawa.
Kalaunan ay nagpakawala si Afiya ng asul na ilaw mula sa kaniyang palad ngunit hindi nito natamaan ang napakabilis na manananggal.
Ngunit natigilang husto ang dalawa at napakunot ng noo nang biglang natigilan ang manananggal sa ere at unti-unti ngang bumagsak dahilan upang halos sabay na tumakbo sila Afiya at Shakir patungo sa binagsakan ng dalawa.
Nang makarating sa binagsakan ng manananggal ay agad na pinaghilom ni Afiya ang natamong sugat ng matandang hawak ng manananggal. Samantalang si Shakir naman ay natigilan nang makita ang panang nakabaon sa likuran ng manananggal. Dahan-dahan itong naglakad patungo sa binagsakan ng manananggal at binunot ang panang tumama sa likuran nito.
"Saan--"
"Ayos lamang ba kayo?"
Agad na nabaling ang tingin nila Afiya at Shakir sa isang binata na nanggaling sa itaas ng mababang burol at may hawak-hawak nga ngayong pana sa kanan niyang kamay.
"Sino ka?" agarang tanong ni Afiya na siyang agad ngang pumunta sa harapan ni Shakir.
Agad na pumwesto si Afiya na siyang nagpakawala nga ng asul na ilaw mula sa kaniyang palad.
"Naku," sambitla ng binata na siyang marahan ngang inilingan si Afiya. "Nagkakamali ka binibini, hindi ako kaaway."
"Paano ako makakasigurong hindi ka nga kaaway?"
Marahang napabuntong ng hininga ang binata na ngayon ay inilabas mula sa kaniyang suot na t-shirt and suot nitong anting-anting sa leeg.
"Isa kang babaylan?" nanlalaking mga matang tanong ni Shakir na siyang marahang tinanguan ng binata.
"Oo ginoo," kumpirma ng binata.
Kunot-noo nga siyang tinignan ngayon ni Shakir.
"Ni minsan ay hindi kita nakita sa sitio--"
"May mga nakaligtas sa digmaan na hindi sa Raja Ismail sumama," pakli ng binata dahilan upang unti-unti ngang mawala ang kunot sa noo ni Shakir.
"Sino ka at anong ginagawa mo dito?" tanong ni Afiya na siyang dahilan upang mabaling ang tingin sa kaniya ng binata.
"Ako si Hector, isa ako sa mga nanghuhuli ng mga engkantong bumibiktima sa mga tao. Marami na silang naghahasik ng lagim ngunit marami rin naman kaming mga babaylan ang handang tumulong sa pagpuksa sa kanila," paliwanag ng binata.
"Kayo," baling nito sa dalawa na siyang salitan niyang tinignan. "Sino kayo at bakit tulad ko ay pinupuksa niyo rin sila?"
"Ako si Afiya, ang amatista ng Nero," pagpapakilala ni Afiya na siyang tuluyan na ngang ibinalik ang asul na ilaw sa kaniyang palad at ibinaba na nga itong tuluyan.
"Ang amatista ng Nero," gulat ngang panganglaro ng binata na siyang tinanguan ng dalaga.
"At ikaw?" baling nito kay Shakir.
"Ako si Shakir--"
"Teka," pakli ng binata na siyang nanlalaki ngang mga matang tinignan si Shakir. "Ikaw ang anak ni Alec at ang apo ni Raja Berhane?"
Unti-unti ngang tumango si Shakir bilang kumpirmasyon dahilan upang mapatakip ng kaniyang bunganga ang binata dahil sa gulat na kalaunan ngay pagkalaki-laki ng ngiting hindi napigilang tumakbo upang yakapin si Shakir.
"Ikaw ang tanging pag-asa namin Shakir," saad ng binata na siyang kumawala na nga sa pagkakayakap. "Ang pag-asa ng mga natitirang babaylan."
_________________________
"Sabihin mo sa amin kung nasaan ang inyong pinuno Ondayo!" bulalas ni Ebraheem na siyang pinalibutan nga ng apoy ang kanilang kapaligiran dahilan upang agad na mapaatras ngayon ang ibang mga manananggal.
"H--hindi ko alam kung saang eksaktong lugar siya naroon ngayon," tugon ng manananggal na siyang nanginginig nga ngayon ang mga kamay at namamanhid ang mga tuhod.
"Sinabi nang huwag mo akong lin--"
"Nagpapanggap," pakli ni Ondayo nang akmang mas ilalapit pa ni Mahalia ang berdeng ilaw na sa oras ngang dumampi sa mukha nito ay tuluyan na nga itong maglalaho at mamamatay.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Ang aming pinuno na si Amadeo ay mahilig na magpanggap," patuloy ni Ondayo dahilan upang matuon ang buong atensyon sa kaniya ngayon nila Mahalia at Ebraheem.
"Hindi lamang sa laman at dugo ng tao mahilig ang aming pinuno gayon ay kilala siya sa pagbibiktima ng sino mang mga taga-Berbaza. Mapa-sirena, o ibang lahing mga taga-Fotia, o mga Setengah Dewa, o hindi naman kaya ay babaylan ang mga nais nitong binibiktima. At ang paraan nga nito upang mambiktima ay ang magpanggap na isang bampira, sirena, setengah dewa, o hindi naman kaya ay babaylan," paliwanag ni Ondayo dahilan upang kapwa nga ngayong magtinginan si Ebraheem at Mahalia.
_________________________
"Kanina pa nagiging kulay pula ang dahon ngunit wala naman tayong naririnig na anong pagsigaw sa kapaligiran," ani Afiya habang hawak-hawak ang dahon ng makabuhay at siyang nangunguna nga sa paglalakad habang nasa likuran niya sina Shakir at ang binatang nagpakilalang babaylan na si Hector.
"Ang sabi mo ay may iba pang mga babaylan ang kasama mo?" tanong nga ngayon ni Shakir kay Hector na siya rin naman nga nitong marahang tinanguan.
"Kung gayon ay nasa kapahamakan kayong lahat ngayon at mainam na sumama kayo sa amin," ani Shakir dahilan upang matigilan ngayon si Hector at kunutan nga ng noo si Shakir.
"Anong ibig mong sabihin Ginoong Shakir?"
"Ang mga kasama kong babaylan ay nakuha nang tuluyan ng mga taga-Aeras. At ngayon ngay bumubuo kami ng pwersa upang labanan sila at iligtas ang mga lahing nakuha ng mga ravena--"
"Shakir," pakli ni Afiya na siyang natigil nga sa paglalakad at hinarap ang mga ito.
Nabaling ang tingin sa kaniya ni Shakir at Hector.
"Lumayo ka sa huwad na iyan," ani Afiya na dahilan upang matigilan at mapakunot ng noo si Shakir.
"Anong ibig mong--" Hindi na nga tuluyan pang natuloy ni Shakir ang kaniyang sasabihin nang mapansin na napapalibutan sila ngayon ng mga dahon ng makabuhay na lahat ngay naging kulay pula.
Unti-unting ibinaling ni Shakir ang tingin kay Hector, kasabay din nang unti-unting paghiwalay ng kalahating katawan ni Hector.
"Ikaw--"