DALAWANG ARAW BAGO ANG KAARAWAN NG MAGINOONG MIRZA... "Aisha?" tawag ni Shakir sa dalaga nang mapadaan siya sa kusina. "Anong ginagawa mo dito? Tutulong ka ba sa kanila? Kung gayon ay huwag ka na lamang sumama--" "Naku hindi Shakir, ibinigay ko lamang sa kanila ang isang uri ng kabal na makapagpapasarap sa mga tsaang inihahain sa almusal," sagot ni Aisha na siyang agad ngang naglakad palapit sa binata. "Sigurado ka ba? Maaari namang hindi ka na sumama sa kagubatan--" "Sasama ako Shakir," pakling agad ni Aisha na siyang marahan ngang itinulak ang binata palabas ng kusina. "Sigurado ka?" "Oo nga Shakir," sagot ngang muli ni Aisha dahilan upang tumango na ngang tuluyan si Shakir. "Ano bang kabal ang ibinigay mo sa mga nagluluto Aisha?" nagtatakang tanong ngayon ni Shakir habang palak

