Ikalawang Bahagi: Kabanata 31

2207 Words

"Ngayon ko nalang ulit naranasan ang ganitong pagdiriwang Shakir," nakangiting ani Aisha na masayang pinagmamasdan ang naglalakihang mga ngiti ng mga nilalang na kasama nila ni Shakir sa pagsayaw. Ngunit natigilan nga ngayon ang dalaga at kunot-noong tinignan ang direksyon kung saan naroon ngayon ang tingin ni Shakir na siyang may hawak ng buong atensyon nito ngayon at tila baga nga hindi narinig ang sinambit ni Aisha dahil din dito. Unti-unting nawala ang kunot sa noo ni Aisha nang makitang kay Afiya ngayon nakatuon ang buong atensyon ni Shakir. "Baka naman matunaw ang Binibining Afiya sa kakatitig mo sa kaniya?" wika ni Aisha dahilan upang matigilan ang binata at ibaling ang tingin dito. "A--ano ang iyong sinasabi Aisha?" pagkakaila ni Shakir na siyang napakamot ngayon ng kaniyang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD