Ikalawang Bahagi: Kabanata 54

1069 Words

Sa Orihinal na Takbo ng Oras ~Taong 1514~ Ang kuwento ni Mahalia na kilala bilang Amatista ng Geo (1/3) Siya ang kaisa-isang anak na babae ni Mayari na siyang tagapangalaga ng buwan. Ang mga Setengah Dewa na katulad ni Mahalia ay hindi pinapayagang tumira kasama ang kanilang mga magulang na tagapangalaga kaya't simula pagkapanganak at sanggol pa lamang ang mga ito ay ibinigay na ni Mayari si Mahalia isang pamilyang mortal. Isang tahimik na bata si Mahalia na laging ninanais na mapag-isa sa kagubatan o sa sakahan na pagmamay-ari ng mag-asawang umampon sa kaniya. Mas nanaisin niyang makipaglaro sa mga paruparo o ibon sa kagubatan kaysa maakipaglaro sa mga batang kaedaran niya. Ugali niyang habulin ang mga makukulay na paruparo at mamitas ng mga mababangong bulaklak. "Hugo," nakangiti

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD