Sa Orihinal na Takbo ng Oras ~Taong 1514~ Ang kuwento ni Mahalia na kilala bilang Amatista ng Geo (2/3) "Ina?" sambitla ng batang Mahalia na siyang nakatago sa ilalim ng mesa habang takip-takip ang kaniyang magkabilaang tenga. Hindi na napigilan pa ang sariling lumuha dahil sa takot na nadarama na dulot ng kaguluhang nangyayari ngayon sa kanilang nayon. "Ina," muling sambitla na siyang niyakap nga ang kaniyang tuhod upang ibsan ang takot na nadarama. "M--may tao ba riyan?" Natigilang husto si Mahalia nang marinig ang boses ng batang lalaki. "Mahalia?" sambitla ng batang lalaki na siyang nakatayo na ngayon sa harap ni Mahalia at nang makitang takot na takot at takip-takip ngayon ng batang babae ang kaniyang tenga ay yumukod ngang tuluyan ang batang lalaki at hinawakan ngayon ang

