Ikalawang Bahagi: Kabanata 58

1360 Words

"Abrax," sambitla ni Afiya nang makita nilang bumagsak ito sa lupa nang atakihin siya ng halos limang ravena. Agad ngang tumakbo si Shakir upang harangan ang mga ravena patungo sa Setengah Dewa. At tinulungang ngang agad ni Afiya na makatayo si Abrax. "Berhenti!" bulalas nito dahilan upang maging bato ang ravenang akmang babato na ng pana patungo sa kanila. "Marami silang mga tauhan ni Helios, kailangan na nating umalis dito sa lalong madaling panahon," ani Shakir na ngayon ay sinamahan nga nina Afiya at Abrax sa pakikipaglaban sa mga ravena. Tila hindi nauubos ang mga ito kahit pa na ilang mga mandirigma na ang napatumba ng tatlo. "May mga paparating pa bukod sa kanila," ani Rio na siyang lumitaw ngayon sa tabi ni Shakir. "Imposibleng maubos niyo sila kaya kumapit na kayo sa akin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD