Sa Kasalukuyang Takbo ng Oras ~Taong 1920~ "Mahalia ilag!" bulalas ni Abrax na siyang agad ngang sinangga ang mga ravenang papalapit sa kanila gamit ang kaniyang kapangyarihan. Mabilisang hinawakan ni Ebraheem ang pulso ni Mahalia upang isama ito sa mabilisan niyang pagtakbo palayo mula sa mga ravenang aatake sa kanila. "Nanghihina ka Mahalia, at sa lagay mong iyan hindi mo magagamit ang iyong kapangyarihan upang maprotektahan ang iyong sarili," ani Ebraheem na akmang ipapatong na ang palad sa isa sa mga sugat ng amatista ng Geo ngunit natigilan ito nang hawakan ni Mahalia ang kaniyang pulso. "Bakit hindi mo sinabi sa akin Ebraheem? Bakit nagkunwari kang hindi mo ako naaalala?" sunod-sunod na tanong ni Mahalia dito habang diretsong nakatingin ngayon sa mga mata ng binata. "Mahali

