Kaharian ng Aeras "Atención!" bulalas na sabay-sabay ng mga opisyales ng Aeras na ngayon ay pinangungunahan ang kani-kanilang mga hukbo. Halos isang linggong naging abala ang kaharian sa pagdiriwang na isasagawa sa araw na ito. Ngayon ay nakahanda na ang lahat ng mga mandirigma na mga ravena at babaylan na siyang sasalubong sa tagapangalaga ng digmaan at araw na si Apolaki. Ang tunog ng trumpetang nasa itaas ng tore ng kaharian ay umalingawngaw sa buong paligid dahilan upang matigilan ang lahat at mabaling ang tingin sa kalangitan kung saan sunod-sunod na nagsisiliparang pabilog ang mga ravenang pinangungunahan ni Tolentino. "Ang tagapangalaga ng digmaan at araw na si Apolaki ay narito na!" bulalas ni Tolentino na siyang bumaba na sa lupa kasama ang iba pang mga ravenang nakabuntot s

