Kaharian ng Fotia "Ano ang iyong pangalan bata? At sino ang nagdala sa iyo dito?" sunod-sunod na tanong ni Afiya sa batang babae. Umalis ngang agad sa kasiyahan sina Ebraheem at Mahalia nang ipatawag sila ni Afiya sa isa sa mga kwarto sa Fotia kung saan niya pinagpapahinga ang batang babae na nakasalubong nila sa kagubatan. Saglit na natigilan sa pagkain ang bata na kalaunan ay unti-unting umiling bilang tugon sa amatista. "Hindi mo maalala maging kung sino ka?" pangungumpirma ni Afiya na siyang tinanguan ng bata. "Eh, kung sinong nagdala sa iyo sa kagubatan at kung sinong may kagagawan ng mga sugat mo sa katawan?" "Wala ho akong maalala ni isa binibini," sagot ng bata na nabitawan ang hawak na tinapay at napahawak ngayon sa kaniyang ulo dahil sa tuwing pinipilit ang sariling alala

