Kaharian ng Fotia "Ikaw ay napadalaw muli dito sa aming kaharian Afiya?" bungad ni Maginoong Mirza sa dalaga na siyang nginitian siya at nagmano nga sa kamay nito bilang paggalang. "Nais ko hong bisitahin ang batang babae maginoo," tugon ni Afiya na siyang may dala-dalang mga prutas at makakain na tinapay. "Naku, naroon sila ngayon sa likuran kasama sina Ebraheem at ang ibang mga bata." "Gayon ho ba? Ano pong ginagawa nila roon?" "Pumaroon ka iha nang masaksihan mo ang mga bagong laro na ginagawa ng tatlong iyon upang libangin ang mga bata," nakangiting sagot ng matanda dahilan upang tumango na nga si Afiya at nagtungo na sa likuran ng kastilyo. Naabutan niyang nakapabilog ngayon ang mga bata ng Fotia kasama ang batang babae na iniligtas niya sa kagubatan kahapon. "Kung sino ang

