Kaharian ng Aeras "Hindi ito maaari, malinaw na hindi nanalo ang Shakir na iyon laban sa akin!" "Hindi ba kitang-kita mo naman Itawi kung paano kung napatumba ng ilang beses ang Shakir na yaon? Dapat maituloy ang laban nang manalo ang dapat na manalo," patuloy ni Itawi na siyang tinanguan ni Maliksi. "Tama si Itawi, nasaan ba ang kamahalang Helios? Nais namin siyang makau--" "At ano namang bagay ang ating pag-uusapan Maliksi?" Natigilang husto ang dalawang opisyales at ibinaling nga ang tingin sa kararating lamang na si Helios kasama ang kaniyang pamilya at ang tagapangalagang si Apolaki. "K--kamahalan," sambitla ni Maliksi kasunod ng sabay nilang pagluhod ni Itawi dito. "Anong kaguluhan ito?" "Nais ko lamang sanang tanungin kung bakit gayon na lamang ang naging desisyon niyo kam

