Ikalawang Bahagi: Kabanata 46

1773 Words

Kaharian ng Aeras Ang buwan ang siyang kasalukuyang naghahari sa kalangitan at halos lahat ng mamamayan ng Kaharian ng Aeras ay nagpapahinga sa kani-kanilang mga tahanan. Sa gusali kung saan nakakulong ngayon si Shakir ay naroon ang ilan sa mga kawal na nagbabantay sa pintuan nito. Isang lalaki ngayon ang nakasuot ng itim na salakot habang hawak-hawak sa kaniyang likuran ang isang sako. Nang makitang naidlip ang kawal na nagbabantay sa harapan ng gusali ay agad siyang tumakbo papasok dito at madaliang nakapagtago sa likuran ng isang poste nang makita ang tatlong kawal na naglilibot sa ilang mga kwarto ng gusali. Kumuha ng tiyempo ang lalaki upang makataas papuntang ikalawang palapag ngunit natigilan nang may tumawag na isang kawal sa kaniyang likuran. "Paumanhin ngunit walang bisi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD