Kaharian ng Fotia "Kailan pa nagsimula ang mga pagkawala nila Abrax?" tanong ni Mahalia na siyang walang kurap ngayong nakatingin sa mga mata ng kapwa niya Setengah Dewa. "At itong pagkawala, anong klaseng pagkawala ba ang ibig mong sabihin?" "Nagsimula ang lahat nang makaengkwentro namin sa kagubatan si Lakan Bakod, ni ayaw kasi kaming padaanin gayong may importante kaming pupuntahan nang araw na yaon," paliwanag ni Abrax na siyang dahilan upang mawalang tuluyan ang kunot sa noo ni Mahalia at mapasinghap nga ng wala sa oras. "Eh, kasalanan niyo naman pala eh," ani Ebraheem na siyang napangisi nga at sarkastikong nakatingin ngayon kay Abrax. "Bakit niyo ba naman kasi hinamak ang isang tagapangalaga? At ang mga anito pa talaga ang inyong kinalaban?" sunod-sunod namang tanong ni Afiya.

