Kaharian ng Fotia "Taalaga bang hihintayin mong mawala tayong lahat Mahalia?" Hindi makapaniwalang katanungan ni Abrax. "Paano ba natin malalaman kung nakuha na ba maging si Shakir? Paano--" "Puwede bang manahimik ka Abrax?" sarkastikong tugon ni Mahalia na siyang nakaupo ngayon sa tumba-tumba (rocking chair) habang abala sa kaniyang pagbabasa ng isa sa mga libro ni William Shakespeare na Hamlet. "Paano ako mananahimik kung halos tatlo na lamang tayong natitirang Setengah Dewa? Nasisira ka na ba talaga ng bait Mahalia?" Buntong-hininga ngang isinara ni Mahalia ang hawak na libro at walang pasubaling lumitaw sa harapan ni Abrax. "Kung gusto mo, ikaw ang pumunta sa tirahan ng mga anito at ikaw ang makiusap sa kanila." "Mahalia," sambitla ni Abrax na hindi nga makapaniwalang tinignan

