Kaharian ng Geo "Bakit kasi ngayon mo lang tinawag ang iyong ina? Dapat pala una pa lang ay pinigilan na natin si Mahalia," ani at tanong ni Afiya kay Abrax nang lumitaw sila ngayong lima sa kagubatan kung saan naroon ang tirahan ni Lakan Bakod. "H--hindi ko naman alam na aabot sa ganito. Na may galit pala ang Lakan Bakod kay Mahalia. Na higit pa sa kapahamakang naiisip ko ang haharapin nila," sagot ni Abrax na bakas nga ang pag-aalala at konsensya sa mukha habang nakabuntot silang apat ngayon sa kaniyang inang si Tala na siyang nakakaalam kung saan naroon ang bahay ni Lakan Bakod. "Alam mong ganito ang mangyayari," ani Ebraheem na siyang natigilan sa kaniyang paglalakad dahilan upang kapwa ring matigilan ngayon sina Afiya, Rio at Abrax. "Alam mong papatayin sila ni Lakan Bakod hindi

