Kaharian ng Fotia "Kami na ni Afiya ang sasama sa iyo Tala upang kausapin ang Lakan Bakod." "Ako rin ay sasama ina." "Kung maaari ay nais ko rin po sanang sumama at tumulong sa pagligtas kina Binibining Mahalia," saad naman ni Rio dahilan upang buntong hiningang mapakamot ngayon si Tala ng kaniyang ulo. "Nais niyo rin bang sumama Maginoong Mirza?" pabirong baling nito sa matanda na siyang marahan siyang inilingan. "Sa tingin ko ay sapat nang ang mga batang ito ang sumama sa iyo. Madali lang namang pakiusapan ang Lakan Bakod kaya't natitiyak kong--" "Hindi ako magtutungo o tutulong sa inyo rito kung madali lamang na kausapin ang tagapangalagang iyon," pakli ni Tala sa matanda. "Iba na ang dating nakilala niyong Lakan Bakod maginoo, at tunay na napakalaki na ng kaniyang pinagbago. Pa

