Sa Kulungan ni Lakan Bakod Sa isang masukal na kagubatan na matatagpuan sa Kaharian ng Geo naroon ang isang lumang gusali na itinayo pa sa taong 1800's. Ang gusaling ito ang nagsilbi ng tirahan ni Lakan Bakod na isa sa mga tatlong anito o ang tatlong tagapangalagang inatasang bantayan at mamuhay kasama ang mga tao sa Kaharian ng Geo. Si Lakan Bakod ay ang siyang tagapangalaga ng mga bakod sa bawat bansa o lugar sa Geo. Ang sino mang manghamak na pumasok saan mang teritoryo na hindi nila pagmamay-ari at binabantayan ni Lakan Bakod, sila ay kaniyang parurusahan at pahihirapan. Nasa ilalim ng gusali nakatago ang ilang mga selda na ginawa ng Lakan Bakod para sa mga nilalang na lumalabag sa kaniyang kautusan. Sa seldang ito niya ikinukulong at pinapahirapan ang sino mang manghimasok sa m

