Ikalawang Bahagi: Kabanata 17

2552 Words
Sunod-sunod na bala ng pana ang pinakawalan ni Amadeo patungo kay Shakir ngunit agad-agad din naman niya itong naiwasan sa pamamagitan ng paghila sa kaniya ni Afiya. Nagpakawala ng asul na ilaw si Afiya mula sa kaniyang palad at ibinato nga ito kay Amadeo dahilan upang lumipad ito pataas upang iwasan ang kapangyarihan ni Afiya. "Nalulungkot akong makita na tila gumaling ka na sa pagtama ng mga ilaw na yaon amatista," sarkastikong ani Amadeo na siyang mabilisang nagpakawala ng bala ng pana dahilan upang hindi ito naiwasan ni Shakir at madaplisan ang kaniyang braso. "Bakit pa kasi sa mga mahihinang katulad niyo pa ako ipinadala ni Helios," ani ng manananggal dahilan upang buntong-hiningang tignan siya ngayon ni Afiya at susubukan ngang kontrolin ang emosyon nito ngunit natigilan ang amatista maging si Shakir nang magdatingan ngayon ang iba pang mga manananggal at ravena na siyang pinalibutan sila. "Afiya," sambitla ni Shakir na siyang paika-ikang lumapit sa dalaga. "A--anong gagawin natin?" _________________________ Isang nag-aalab na apoy ang siyang pumalibot ngayon sa kinaroroonan ni Helios na siya ngang hawak-hawak ngayon si Mahalia sa leeg. "Bitawan mo siya Helios," ani Ebraheem na siyang nagpakawala nga ng bilog na apoy mula sa kaniyang palad. "Ebraheem," nakangising sambitla ni Helios na siyang diretso ngang tinignan ngayon sa mata ang bampira. "Anong nangyari sa iyo mahal kong kaibigan? Ikaw ba ay talagang sigurado na sa iyong kinakampihan?" "Huwag mo na nga akong sagutin ng mga sarkastiko mong banat na iyan Helios, mabuti pa ay tapusin na lamang natin ang laban na ito--" "Matagal ka nang hindi nakakainom ng dugo ng tao hindi ba? O baka naman ako ay nagkakamali?" pakli ni Helios dahilan upang matigilan saglit si Ebraheem na kalaunan ay diretsong tinignan sa mata ang ravena. "Eh, ano naman ngayon Helios?" nakangising tanong nito. "Hindi lamang ako ang nandito Ebraheem"--ani Helios na siyang ibinaling ang tingin sa mga kasama niyang ravena na nasa labas ng ipinalibot na apoy ni Ebraheem--"at kung iyong ikukumpara ay di hamak na mas malakas ako ngayon sa iyo--" Ngunit natigilan ngang tuluyan si Helios nang makawala si Mahalia mula sa pagkakahawak niya dito at ngayon ay mas mabilis pa sa kisap-matang naglaho at lumitaw sa tabi ni Ebraheem. "At baka nakakalimutan mo ring hindi siya mag-isa ngayon Helios?" sarkastikong tanong ni Mahalia na siyang walang pasubali ngang sunod-sunod na nagpakawala ng berdeng ilaw patungo kay Helios na siyang mabilisan naman nitong iniwasan at tinamaan ng kaniyang espada. "Sabihin na nating mas malakas ka ngayon kay Ebraheem ngunit kung utak ang pagbabasehan ay mananatiling nasa ibaba ka pa rin namin Helios," patuloy ni Mahalia dahilan upang unti-unting mapatikom si Helios ng kaniyang mga kamao kasabay nang pangingitim ng kaniyang mga mata. Kasunod nito ay ang pag-ihip ng napakalakas na hangin na siyang dahilan upang hawakan ngayon ni Ebraheem si Mahalia upang hindi ito maisama sa pag-ihip ng hangin. "Sino ngayon ang mahina at bobo Mahalia?!" bulalas ni Helios na mas nilakasan pa ang hangin dahilan upang mamatay ang mga apoy na pinalibot ni Ebraheem. Dahilan ito upang makalapit ngayon ang mga ravenang kasama ni Helios. "Tignan natin ngayon kung makakatakas pa kayo at mabubuhay," patuloy ni Helios kasabay nang kaniyang unti-unting pagngisi. _________________________ "Sige, tumakbo kayong dalawa!" bulalas ni Amadeo kasama ang mga manananggal at ravena sa paghabol ngayon kina Shakir at Afiya. Namumutla nang muli at nanghihina si Afiya nang dahil sa lubos niyang paggamit ng kaniyang kapangyarihan upang labanan ang grupo nila Amadeo at nakadagdag pa ang pagpapagaling niya sa daplis ni Shakir sa paa. Hawak-hawak ngayon ni Shakir ang kaniyang kamay habang sila ay tumatakbo palayo sa grupo nila Amadeo. Ngunit kapwa ngayon natigilan ang dalawa nang isang hakbang na lamang at tuluyan silang mahuhulog sa banging kinatatayuan nila. Agad namang napaatras si Shakir nang malula sa talon na kakahulugan nila kung sakaling mahulog sila sa bangin. "Wala na kayong takas na dalawa!" bulalas ni Amadeo sa hindi kalayuan dahilan upang manlaki ang mga mata ngayon ni Afiya at walang pasubali ngang hinawakan ang pulso ni Shakir kasabay nang paggamit nito ng natitira niyang kapangyarihan upang hindi sila makita nila Amadeo. Natigilan ang grupo nila Amadeo nang hindi nila madatnan sina Afiya at Shakir. "Saan sila nagtungo pinuno?" tanong ng isa sa mga manananggal kay Amadeo dahilan upang matigilan ito at buntong-hininga ngang inilibot ang kaniyang paningin. "Mukhang nakaa--" Natigilang husto ang manananggal nang takpan ni Amadeo ang bunganga nito. Marahang lumipad si Amadeo at nilibot ang bangin na kinatatayuan ngayon nila Afiya na katulad ni Shakir ay nagpipigil nga sa paghinga upang hindi maramdaman o marinig ni Amadeo. "Mukhang wala na nga sila dito," ani Amadeo na siyang tumalikod na mula sa bangin kasama ang iba. Halos sabay namang napabuntong ng hininga si Shakir at Afiya dahil sa eksaktong oras na naubos ang kapangyarihan ni Afiya ay tuluyan na ring nakaalis sila Amadeo. "Ubos na ang iyong lakas Afiya," ani Shakir na agad ngang sinalo ang dalaga nang mawalan ito ng balanse dahil sa panghihina. "Ayos lamang ako Shakir," ani Afiya na siyang marahan ngang bumitaw sa pagkakahawak ni Shakir. "Kailangan mong lumangoy sa dagat Afiya upang makuha ang iyong--" "Shakir!" bulalas ni Afiya na siyang agad ngang itinulak ang babaylan upang hindi ito maatake nang biglaang lumipad pabalik si Amadeo patungo sa kanila. Nanlalaking mga matang hinawakan agad ni Afiya ang pulso ng binata at buong lakas ngang hawak-hawak ito upang sana itaas ngunit huli na nang sunod-sunod na umatake ang mga manananggal at ravena patungo sa kanila dahilan upang mapabuntong-hininga si Afiya at ipinikit ang mga mata bago pa man magpasyang bitawan si Shakir at at magpahulog na rin sa talon upang sundan ang binata. _________________________ "Sumuko na kayong dalawa Mahalia at hindi ako magdadalawang-isip na gawin pa rin kayong kakampi sa kabila ng inyong pagtataksil at pagsusubok na sirain ang plano ko," nakangising sambit ni Helios ngunit sarkastiko lamang siyang nginisian ni Mahalia na katulad ni Ebraheem ay agad ngang tumayo mula sa pagkakabagsak sa sahig nang atakihin silang sunod-sunod ng mga kawal ni Helios. "Mas gugustuhin ko nalang na mamatay kaysa kampihan ang demonyong katulad mo!" bulalas ni Mahalia na sunod-sunod na nagpakawala ng kapangyarihan patungo kay Helios kasabay din nang pagpapakawala ni Ebraheem ng kapangyarihan patungo sa mga ravenang nagsubok na umatake sa kanila. "Kung gayon ay wala na akong magagawa kundi tuluyan na kayong puksain," ani Helios na buong pwersang pinalakas ang ihip ng hangin dahilan upang manghina si Ebraheem at tumilapon. Isang napakalaking kulay itim na bilog ang siyang pinakawalan ni Helios patungo sa kinatatayuan ni Mahalia dahilan upang manlaki ang mga mata nito na kalaunan ay buntong-hininga na lamang na ipinikit ang kaniyang mga mata. Ngunit nang maramdamang may yumakap sa kaniya at na siyang sumalo ng kapangyarihan ni Helios ay unti-unti siyang napamulat ng kaniyang mga mata at agad ngang sinalo ang pagkakabagsak ng yumakap sa kaniya. "O--ondayo?" kunot-noong sambitla ni Mahalia na siyang diretsong tinignan ang binata. Unti-unting lumabas at dumaloy ang dugo mula sa bunganga ni Ondayo kasabay nang unti-unting pagpatak ng mga luha mula sa mga mata nito. "G--gawin mo ang lahat-lahat Mahalia, iligtas mo ang aking kapatid at ina--" sambit ng binata na siyang marahang naubo ng dugo at tuluyan na ngang nagdilim ang paningin. "Sinasabi ko na sa inyo, hindi ako ang taksil dito!" bulalas ni Ondayo nang paalis na ang mga amatista kasama si Shakir. Natigilan si Mahalia na siyang nahuli ngang lalabas na sana sa kwarto at ngayon ngay buntong-hiningang hinarap at mabilisang lumitaw sa harapan ngayon ng nakataling binata. "Naniniwala ako sa iyo," ani Mahalia dahilan upang matigilan ang manananggal at kunot-noong tinignan ang dalaga. "Naniniwala akong hindi mo magagawang sirain ang planong magliligtas sa iyong ina at kapatid," patuloy ni Mahalia. "Paano mo nalaman ang patungkol sa aking kapatid at ina?" "Sinabi sa amin ni Shakir ang lahat-lahat," sagot ni Mahalia na ngayon ay naupo na nga sa sahig. "At nakikita ko sa iyong mga mata na nagsasabi ka ng katotohanan." "Kung gayon ay bakit hindi mo iyan sabihin sa mga kasama mo para pakawalan na ako dito?" "Dahil matatapos na ang larong binubuo ko kung sakali." "Anong ibig mong sabihin?" "Tulad ni Shakir ay si Amadeo rin ang pinaghihinalaan kong taksil ngunit ang pinagkaiba ay naniniwala akong hindi lamang si Amadeo ang magtataksila sa amin kundi ang buong lahi niyo. Alam kong hindi maniniwala ang mga kasama ko roon at maniniwala pa rin na kaya naming makuha ang loob ninyo. Ngunit ibahin niyo ako na halos ilang taon at pagkakataon nang nasaksihan ang kataksilan ng inyong lahi katulad na lamang ng mga bampira," paliwanag ni Mahalia. "Nais kong kusang mabunyag ang pagtataksil na iyon upang matapos na ang pakikipaglaro namin sa inyo at upang hindi na rin masayang pa ang oras namin." "Gagamitin mo ako upang makampante sila na hindi na ninyo sila paghihinalaan?" Tumango ngang marahan si Mahalia. "Huwag kang mag-alala, matatapos din itong lahat," ani Mahalia na ngayon ay buntong-hininga ngang tumayo at akmang tatalikod na mula kay Ondayo. "M--maaari ba akong humiling sa iyo Mahalia?" ani Ondayo na ngayon ay diretsong tinignan si Mahalia. Marahang tumango si Mahalia na ngayon ngay buong atensyong tinignan ang manananggal. "Kung sakali mang hindi ko na maabutan ang digmaan, maaari mo bang ipangako sa akin na ililigtas mo ang aking kapatid at ina?" "Sigurado naman akong makakaabot ka sa digmaan manananggal--" "Hindi natin alam kung anong maaaring mangyari sa susunod na oras o araw." Natigilan ngang husto si Mahalia. "Hindi ako bumibitaw ng pangakong hindi sigurado Ondayo--" "Kung gayon ay tila mamamatay akong hindi kampante--" "Ngunit maipapangako kong gagawin ko ang lahat-lahat ng aking makakaya upang iligtas sila," pakli ni Mahalia dahilan upang matigilan at unti-unting mapangiti ang binata. "Mahalia," sambitla ni Ebraheem na siyang hinawakan nga ang pulso ng dalaga at pwersahan na itong pinatayo. "Kailangan na nating umalis dito," patuloy ni Ebraheem na siyang mabilisan ngang naglaho bago pa man silang muling atakihin nito. _________________________ "Kamalasan!" bulalas ni Helios na siyang tuluyan na ngang nakabalik sa kanilang kampo. "Wala man lang ni isa tayong nakuha sa kanila," patuloy nito na dahil nga sa inis ay walang pasubaling nagbato ng itim na kapangyarihan sa kabilang pader dahilan upang mabutasan ito ng wala sa oras. "Ngunit ang maganda kamahalan ay nakuha na natin ang buong pwersa ng mga manananggal at kasama pa roon ay ang maginoo ng Nero," saad ni Tolentino upang pakalmahin ang amatista. Natigilan namang agad si Helios nang marinig ang balitang ito. "Ang Maginoong Ahmad?" panganglaro ni Helios na siyang marahang tinanguan ni Tolentino dahilan upang unti-unting ngumiti si Helios. "Kung gayon ay nasa kamay na natin ang dalawang maginoo at isa na lamang ang natitira," ani Helios. "Ang maginoo ng Fotia at sa lalong madaling panahon ay nais kong mahanap niyo na ang mga bampira Tolentino. Sila baga ay inyong hinahanap o nais mo pang ako ang kumausap sa iyong mga hawak na hukbo upang sila ay gumalaw at hatiran ako ng magandang balita?" "Ginagawa na namin ang aming makakaya kamahalang Helios, sadyang magaling ho ang mga bampira sa pagtatago at nakadagdag pa roon ang pagkawatak-watak nila," tugon ni Tolentino na dahilan upang mapabuntong ng malalim na hininga ang ravena. "Wala akong pakialam kung sila man ay nagkawatak-watak, nais ko lamang na makuha kahit na ang mga pinakamagagaling at malakas sa kanilang hukbo," saad ni Helios. "Kailangan na nating magmadali Tolentino dahil ayaw kong biguin ang ama sa pangalawang pagkakataon na ito." "Makakaasa ho kayo kamahalang Helios." _________________________ "Afiya," sambitla ni Shakir na siyang agad na nilapitan ang dalagang kakaahon lamang sa ilog na nakadugtong sa talon na binagsakan nila. Nahigang agad ang dalaga sa lupa at napapikit ng kaniyang mga mata dahil sa panghihina. "Kailangan mo nang maidala sa dagat Afiya," ani Shakir na siyang akmang bubuhatin na sa kaniyang bisig ang dalaga ngunit natigilan ito nang makita ang mga paa ng kabayo sa kanilang harapan dahilan upang marahan niya ngayong ibaling ang tingin paitaas. "Sino kayo at anong ginagawa niyo sa aming teritoryo?" tanong ng lalaking nilalang na kalahating katawan ay paa ng kabayo ngunit ang itaas ay katawan ng tao. Natigilang husto si Shakir at ibinaling nga ang tingin sa paligid kung saan paparating pa ang ibang mga kasama ng lalaki. "Ikaw ay magpakilala ginoo at sabihin ang iyong pakay," patuloy ng lalaki. _________________________ "Pakawalan niyo kami dito, parangawa niyo na!" bulalas ni Shakir na siyang mahigpit ang hawak sa selda habang nanlalaki ang mga matang sinusulyapan ang kalagayan ni Afiya. "Kailangan kong maidala ang aking kaibigan sa dagat, maawa kayo mga maginoo," muling sambit nito sa dalawang tikbalang na nakabantay ngayon sa kanila. "Kahit na gaano ka pa kalakas na magsisisigaw riyan at kahit pa na maubos ang boses mo kakasigaw ay hindi namin kayo papakawalan ng iyong kaibigan hangga't hindi niyo sinasabi sa amin ang inyong tunay na pakay," saad ng isa sa mga tikbalang. "Sinabi ko na, wala kaming pakay sa inyo, sadyang kami lamang ay hinabol ng mga ravena at manananggal kaya kami nagpahulog sa talon," ani Shakir na siyang natigilan nga at agad na nilapitan si Afiya nang sa halos tatlong pagkakataon ay magsusubok na namang tumayo. "Afiya, huwag mo nang pilitin ang iyong sarili, matutumba ka lamang," ani Shakir ngunit marahan nga siyang inilingan ni Afiya na siyang marahang tumayo habang nakakapit sa pulso ni Shakir. "Nais kong makausap ang inyong pinuno," ani Afiya na hirap na kung magsalita at kapansin-pansin ang pamumutla sa kaniyang mukha. "Sabihin mo," patuloy ni Afiya nang makitang hindi siya pinapansin ng mga nakabantay sa kanila. "Nais siyang makausap ng anak ng dating hari ng Nero na si Haring Barzin." Natigilang husto ang dalawang kawal na siya ngang marahang nagtinginan at tinanguan ang isa't isa. _________________________ "Ikaw," sambitla ni Maliksi na siyang pinuno ng lahing tikbalang. Nasa edad kuwarenta na ito at halos dalawampung taon na ring nagsilbing pinuno sa lahi ng mga tikbalang. Kunot-noong lumapit ito kay Afiya na siyang nasa loob pa rin ng selda kasama si Shakir. "Anak ka ni Haring Barzin?" Marahang tumango si Afiya bilang tugon sa tikbalang. Ngunit umiling lamang at sarkastikong natawa si Maliksi. "Huwag mo akong susubukang linlangin binibin--" "Prinsesa Afiya ang aking ngalan ginoo at ako ang pangalawang anak ng matalik mong kaibigan na si Haring Barzin," pakli ni Afiya dahilan upang matigilan ang pinuno at diretso nga ngayong tinignan sa mata ang dalaga. "Paano ako makakasiguro na ikaw nga si Afiya at hindi mo ako nililinlang?" "Payagan mong ako ay lumangoy sa dagat upang makita ang ginintuan kong buntot na siyang tanda na ako nga ang pangalawang anak ni Haring Barzin." _________________________ Ngayon ay bantay sarado ng mga kawal ni Pinunong Maliksi si Shakir na hawak-hawak ngayon ang walang malay na amatista ng Nero papunta sa pinakamalapit na dagat mula sa teritoryo ng mga tikbalang. "Sige na, iyo na siyang pakawalan sa dagat," ani Pinunong Maliksi dahilan upang buntong-hiningang naglakad ngayon si Shakir patungo sa alon kung saan nga niya marahang inilapag si Afiya. Kasabay nang pagdampi ng alon sa paa ni Afiya ay ang unti-unting pagtubo ng gintong buntot nito na siyang natatangi sa lahat ng mga sirena. Unti-unting natigilan si Pinunong Maliksi at tuluyan ngang nanlaki ang mga mata nito sa gulat. "Inyong hayaan ang ginoo at binibini, huwag gawin ang ano mang dahas patungo sa kanila," agarang utos nito sa kaniyang mga kawal. "Sapagkat siya nga si Prinsesa Afiya ng Nero."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD