"Hindi matatapos ang laban na ito, napakarami na nila," ani Shakir na siyang buntong-hiningang inilibot ang paningin at nanlaki ang mga mata nang makita ang mga palipad na manananggal patungo ngayon sa kanila. Nagpakawala naman ngayon si Afiya ng isang napakalalim na buntong na hininga at tiyaka ngayon nagpakawala ng kapangyarihan sa mga aswang na patakbo ngayong palapit sa kanila ni Shakir. "Hindi na tayo pwedeng umatras Shakir, sa oras na gawin natin yaon ay sasamantalahin nila ang pagkakataon na ito upang mambiktima pa ng ibang mga tao," tugon ni Afiya dahilan upang muli't muling mapabuntong ng malalim na hininga si Shakir na ngayon ay ibinaling ang tingin sa kalangitan kung saan naroon ang mga manananggal. "Likomondos!" sunod-sunod niyang sambitla kasabay nang paglabas ng puting

