"Nais ko sanang samahan mo ako sa kagubatan Mahalia upang kumuha ng mga halamang gagawin kong mga panibagong kabal." Natigilan si Mahalia sa akma niyang pag-inom ng salabat at kunot-noong tinignan ngayon si Shakir. "Yaon talaga ang agad mong gagawin Shakir? Kakarating pa lang natin dito sa teritoryo nila Maginoong Mirza at magyayaya ka talagang agad papunta sa kagubatan ?" sunod-sunod ngang katanungan ni Mahalia na siyang dire-diretso na ngayong ininom ang hawak na isang basong salabat. "Teka, bakit ba ako ang niyayaya mo? Bakit hindi si Afiya?" Marahang umiling ang babaylan bilang tugon sa dalaga dahilan upang mas matigilan ito ngayon at ibinaba na ngang tuluyan ang basong hawak kasunod ng kaniyang diretsong pagtingin sa mga mata ni Shakir. "Bakit ganiyan ka maka-react? Hindi ba s

