"Shakir, maaari bang hawakan mo muna itong kompas nang makita ko ang mapang ibinigay ni Mahalia?" Iniabot ni Afiya ang kompas kay Shakir ngunit natigilan ito nang lumipas ang halos isang minuto ngunit hindi pa rin kinukuha ni Shakir ang iniaabot nitong kompas. "Shakir?" sambitla ng dalaga ngunit nanatiling tulala ang binata habang nakatitig lang ngayon sa iniaabot ni Afiya na kompas. "Shakir, ayos ka lamang ba?" kunot-noong tanong ni Afiya na siyang iwinagayway ang kompas sa harapan ni Shakir dahilan upang sa pagkakataong ito ay tuluyan na niyang makuha ang atensyon ng binata. "A--ano iyon?" Buntong-hiningang iniabot muli ni Afiya ang kompas kay Shakir. "Kung maaari sana ay hawakan mo muna ito Shakir upang maibuklat ko ang mapang ibinigay ni Mahalia." Agad na napatango si Shakir

