Ikalawang Bahagi: Kabanata 4

1348 Words
“S—sino ka?” nanlalaking mga matang tanong ni Shakir na siyang pwersahang bumitaw mula sa pagkakahawak sa kaniya ng dalaga matapos tumakbo palayo ang lobo mula sa kinaroroonan nila. “Base sa iyong mga mata kanina a—ay nanggaling ka sa Kaharian ng Nero—“ “Huminahon ka ginoo—“ “Huwag mo akong lalapitan binibini!” pakli ng binata na ngayon ay tumakbo upang pulutin ang tumilapon niyang espada. “Narito ako upang tulungan ka kaya’t ikaw ay huminahon lamang at makinig sa aking sasabihin,” ani ng dalaga na siyang unti-unti ngang nilapitan ito ngunit siya ay agad din na napaatras mula sa dalaga habang nakatutok ang kaniyang espada rito. “Huwag mo akong susubukang linlangin serena,” saad ng binata na siyang napahawak sa isa sa mga pulseras niyang suot sa pulso na siyang pumuprotekta sa kaniya mula sa kapangyarihan ng mga taga-Nero na manlinlang. “May suot akong pulseras ngayon na ginawa gamit ang katas ng rafflesia kaya’t huwag ka nang mag-aksaya pa ng oras mo upang linlangin ako binibini.” “Hindi kita ginagamitan ng ano mang mahikang mayroon ako ginoo. Kung oo man ay dapat kanina pa naging kulay asul ang aking mga mata,” katuwiran ng dalaga dahilan upang matigilan at unti-unting mapabuntong ng hininga ang binata. “Kung gayon ay sino ka? Ano ang iyong tunay na pakay? At anong ibig mong sabihin sa sinabi mo kanina na narito ka upang tulungan ako?” sunod-sunod ngayong tanong ni Shakir habang hindi pa rin ibinababa ang kaniyang hawak na espada at nanatiling umaatras palayo sa dalaga. “Ako si Afiya ang amatista ng Nero,” ani ng dalaga dahilan upang tuluyang matigilan ang binata. “Nandito ako at maging ang amatista ng Fotia upang iligtas ka at ang iyong mga kalahi.” “Ang Nero at Fotia narito upang iligtas kami?” sarkastikong tanong ni Shakir. “Tulad ng sinabi ko ay hindi mo ako malilinlang—“ “Ako at si Ebraheem lamang ginoo at hindi kasali ang mga kaharian na aming pinanggalingan,” pakli ng dalaga sa kaniya dahilan upang matigilang muli ito at kunot-noong tinignan ang dalaga. “Ang aming mga kalahi ay nakikipag-unahan pa rin na makuha ang pwersa niyo. At ngayon nga ay muli na namang nangyayari ang paunahan na ito dahil alam na ng bawat kaharian kung saan naroon ngayon ang mga natitirang angkan ng mga babaylan ginoo,” patuloy nito. “A—anong ibig mong sabihin?” “Ang lobo,” ani ng dalaga. “Isa siya sa mga padala ng supremo ng Fotia upang kumpirmahin na malapit nga sa kagubatan na ito kayo naninirahan ngayon. Kalaunan ay paparito na ang lahat-laha upang kayo’y lusubin. Mag-uunahan sila upang makuha kayo sa kanilang mga kaharian. At kung hindi mapipigilan ay muli na namang dadanak ang dugo at marami na namang buhay ang mawawala.” “P—paano? Paano nila nalaman kung nasaan kami gayong protektado ng mahika ng Maginoong—“ Unti-unting naitigilan ang binata na kalaunan ngay marahang nanlaki ang mga kasabay nang panghihina ng kaniyang mga tuhod. “Ang Maginoo,” sambit nito na siyang napahigpit ang hawak sa kaniyang espada. “H—hindi maaari.” “Ginoo, kung sino ka mang babaylan ka ay kailangan mo akong idala ngayon sa eksaktong lugar kung saan naroon ang iyong mga kalahi upang maidala namin kayo sa ligtas na lugar—“ “Hindi,” sambitla ni Shakir na ngayon ay ibinaling ang tingin sa mga paa ng dalaga. “Berhenti!” “Ginoo,” nanlalaking mga matang sambitla ni Afiya ngunit tinalikuran na nga siyang tuluyan ni Shakir at madalian na nga itong tumakbo sa direksyon patungo sa kanilang Sition. “Bumalik ka dito Ginoo!” Buntong hiningang sinubukang makaalis ng dalaga sa kaniyang kinatatayuan ngunit hindi niya magawa dahil naging isang bato na ang mga ito dahil sa engkantasyon ni Shakir. _________________________ “Huwag kang mag-alala, hindi kita bibitawan at ililigtas kita rito,” ani Ebraheem habang hawak-hawak ang pulso ng dalagang kamuntikan nang mahulog sa bangin ngunit natigilan ito nang biglang naglaho ang dalagang hawak-hawak niya dahilan upang siya nga mismo ang kamuntikan nang nahulog kung hindi lamang niya agad naiayos ang kaniyang balanse. “Nasaan ako?” Kunot-noong ibinaling ni Ebraheem ang tingin sa kaniyang likuran dahilan upang magtama ang mga mata nila ng dalaga. “E—ebraheem?” kunot-noong tawag sa kaniya ng dalaga dahilan upang mas mapakunot pa ang kaniyang noo ngayon at marahan ngang tinitigan ang dalaga. “Paano mo nalaman ang aking pangalan binibini?” nagtatakang tanong ng binata. “Ilang taon man tayong hindi nagkita Ebraheem ay nakikilala ko pa rin ang iyong pagmumukha,” sagot ng dalaga na siyang inilibot ang kaniyang paningin sa buong kagubatan. “Anong taon na naman ba ako napadpad?” “Anong taon na ngayon Ebraheem? “Taong 1920—teka nga, n—nagkita? Ngayon lamang kita nakita binibini, kaninang kamuntikan ka nang mahulog sa bangin,” ani Ebraheem na siyang dahilan upang matigilan ngayon ang dalaga. Diretsong tinignan sa mata si Ebraheem habang ngayon ay unti-unting naglakad palapit dito dahilan upang mapalunok sa kawalan si Ebraheem at unti-unti ngang mapaatras. “Hindi mo ako nakikilala? Totoo ba Ebraheem o nagbibiro ka na namang siraulo ka?” sunod-sunod na tanong ng dalaga na siyang mas napabilis nga ang paglapit sa binata dahilan upang matigilan na ito sa pag-atras gayong nasa pinakadulo na naman siya ng bangin. “S—sino ka ba binibini?” “Mahalia,” sambitla ng dalaga na siyang buntong-hiningang itinigil ang paglapit sa binata ngunit hindi pa rin iniaalis ang tingin sa mga mata nito. “Hindi mo ba ako naaalala Ebraheem?” _________________________ “Ang pangalan niya ay Mahalia?” kunot-noong tanong ni Afiya na ngayon ay nadatnan nila Ebraheem at Mahalia na nanatiling nakatayo at magpahanggang ngayon ay bato pa rin ang paa. “Yaon ang pagpapakilala niya Afiya ngunit hindi ako naniniwala sa kaniya. At ni hindi ko nga napansin ang pagsunod niya sa akin dito—“ “Alam niyo naman sigurong naririnig ko kayo ano?” pakli ni Mahalia na siyang naglakad palapit sa dalawa dahilan upang matigilan ang mga ito. “Tanging babaylan lamang ang makagagawa niyan sa paa mo,” ani Mahalia na siyang ibinaling ang tingin kay Afiya. “May mga natitira pang babaylan sa taon na ito?” “Nang dahil sa digmaan ay kaonti na lamang sila—teka lamang, sino ka ba talaga binibini at ano ang iyong tunay na ngalan?” “Pati ba naman ikaw Afiya ay nakalimutan na rin ako—“ “Ngayon lamang kita nakita sa tanang buhay ko binibini,” pakli ni Afiya na siyang dahilan upang unti-unting mapakunot ng noo si Mahalia at salitang tinignan ngayon si Afiya at Ebraheem. “Talagang hindi niyo ako maalala? Ako ‘to si Mahalia,” ani Mahalia. “Ang amatista ng Geo at ang anak ng tagapangalaga ng buwan—“ “Matagal nang namatay ang Mahalia na amatista ng Geo at anak ng tagapangalaga ng buwan na si Mayari. Bata pa lamang kami ay namatay na ito binibini kaya’t tama na ang pagpapanggap mo at sabihin sa amin ang tunay mong ngalan at kung ano ba talagang pakay mo,” pakli ni Afiya sa kaniya. Tuluyang natigilan si Mahalia dahil sa mga sinambit ni Afiya. “T—tama! Huwag mong sabihin na ikaw ay padala ni Helios upang sundan kami?” “Mahalia,” sambitla ni Mahalia na siyang isa-isang tinignan sa mata ang dalawa. “Ako si Mahalia, ang amatista ng Geo at anak ni Mayari. Hindi ako padala ng mga ravena—“ “Napakakulit mo rin talaga ano? Ilang ulit ba naming sasabihin na—“ Natigilang husto si Ebraheem at maging ang dalawang dalaga nang makaramdam sila ng napakalakas na hangin. Nanlaking tuluyan ang mga mata ni Ebraheem nang mamataan sa kalayuan ang mga palipad na ravena patungo sa direksyon nila. “Ang mga ravena,” ani Ebraheem. “Parating na sila Afiya.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD