MILES Nagkakape ako ngayon dito sa pantry. Maaga akong pumasok para na rin makapag-isip-isip nang mabuti. At hindi ko naiwasang isipin kung ano ang pinag-usapan nina Nate at Miller kahapon. Alam kong walang sinabi ang kapatid ko tungkol kay Nate. Mas nag-aalala ako kung ano ang iniisip ngayon ni Nate nang makita ang picture na inaakala niyang ex ko. Siguradong puring-puri na naman niya ang sarili niya nang makita ang larawan. Siguradong iniisip niya na mas guwapo siya sa ex ko base sa nakita niya roon. Katawan pa lang, pakitang-pakita na. Hindi ko pa man ulit nakikita ang katawan ni Nate, alam kong mas maganda na iyon ngayon at naging well-formed na rin ang abs niya. Ipinilig ko ang ulo ko sa biglang pag-alala sa katawan niya. Napahigop din ako ng kape. Ilang sandali pa, napatingi

