NATHAN Tanghali na nang magtungo ako sa bahay nina Miles. At saktong pagparada ng kotse ko sa tapat ng bahay nila, nakita ko si Miller. Nakayuko siya habang nagsisintas ng rubber shoes at nakapang-jogging outfit. Bumaba ako at lumapit sa kanya. "Hoy, bata!" Nag-angat siya ng tingin sa 'kin. "Hoy, tanda." Aba't lokong bata! Mukha ba akong matanda? Walang galang sa nakatatanda-ehem. Walang galang sa guwapong tulad ko. Kaysa patulan, tinanong ko na lang siya. "Aalis ka? Saan ka pupunta?" "Dito lang ako sa bahay. Magsu-swimming." "Ah... Akala ko magdya-jogging ka, eh. Nice swimwear, by the way. Saan ang swimming pool n'yo dito? Itong semento?" sarcastic kong sagot. "Hindi. Dagat 'yan." Aba't gumaganti pa rin talaga sa kapilosopohan ko. The last time we saw each other, hindi ako kini

