NATHAN "Damn it! And damn that ring!" naiinis na sigaw ko nang hindi ko mai-shoot ang mga bolang ibinabato ko sa ring. Nadagdagan pa ang init ng ulo ko nang marinig ang malakas na tawanan ng mga gago. "Pamilyar sa 'kin ang ginagawa ni Captain Nathan." "Right. It brings back some stupid memories during our college days." "Sinisisi niya rin ang ring. Parang ganyan na ganyan ang ginawa niya noon." Binalingan ko ang tatlong nagsalitang iyon at sinamaan sila ng tingin. Ang gagago lang nina Juice, Deus at Aaron. Nandito pala kami ngayon sa gym ni Kent. Yes. May sariling gym ang gago. "Kapag usaping pag-ibig, talagang mapapamura ka." - Jaiden "Hindi ba dapat mapapamahal ka?" natatawang pagbibiro ni Leonne. "Hindi ito ang oras ng pagbibiro, gago." - Dave "Dahil na naman 'yan sa baba

