NATHAN "Damn it!" mahinang mura ko ulit nang maramdaman kong mga nakahiga na kami sa sahig. Ang bibigat ng mga hinayupak! Daganan ba naman ako? Tsk. "Mga hayop kayo!" mura ko pa sa kanila na tinawanan lang nila. "Ikamamatay mo na ba 'yan, Captain? Sagot ko na pagpapalibing sa 'yo." - Nic "Gago ka! Magtatagal pa ang buhay ko." "Oo nga pala. Ang mayayabang, matagal mamatay." - Leonne "Masamang d**o 'yon, ah?" "Slow lang, Jaiden? Hindi naman masamang d**o si Captain, eh. Mayabang lang." - Aaron "Nakakahiya naman sa inyo. Ako lang ba ang mayabang?" sarkastikong pahayag ko. Malakas silang nagtawanan. Nahawa na rin ako sa tawanan nila. Nanatili kaming nakahiga lang at nakatingin sa itaas. Pumikit muna ako para makapagpahinga at bumawi ng lakas. At sa pagpikit ko, ilang mga malalabo