MILES Nakarating na kami ni Nate sa mall. Mabilis ko siyang hinila papasok. "Hey, easy. Mukhang excited na excited ka, ah?" puna niya. Bahagya ko lang siyang nilingon at nginitian bago muling itinuon ang tingin sa harap. "Siyempre! Ngayon lang ulit tayo makakagala dito, eh." "We already dated here before?" "It was just a favor, not a date. Sabi mo kasi ay may bibilhin ka kaya pumayag ako." "Really? Favor lang 'yon?" Muli ko siyang nilingon. Kunot na kunot ang noo niya na para bang hindi makapaniwala na favor lang 'yon at hindi isang date. Tumango ako. "Oo. Besides, kung sinabi mong date iyon, hindi rin naman ako sasama sa 'yo." Biglang tumaas ang isang kilay niya. "Choosy ka pa, gano'n? Dapat nga magpasalamat ka kung niyaya kita ng date noon. I'm sure maraming pumipila sa 'kin noo

