MILES It’s Saturday. Excited na tinungo ko ang pintuan namin at binuksan ang pinto nang may kumatok doon. Akala ko si Nate na. "Hi, Ate Miles. Nandiyan si Miller?" "Ikaw pala 'yan, Mileezen." "Hindi, Ate. Hindi siya 'yan. Kahawig lang niya 'yang nasa harap mo." Binalingan ko ng masamang tingin si Miller. "Tigilan mo ako, Miller. Ang aga-aga, namimilosopo ka." "Anong pinagkaiba kung sa tanghali, hapon, o gabi kita pinilosopo?" Ibinalik ko ang tingin sa childhood best friend niya na kapit-bahay lang din namin. "Sabihin mo sa 'kin, Mileezen. Paano mo naging kaibigan itong kapatid ko? May napapakinabangan ka ba sa kanya?" "Well, meron naman, Ate Miles. His genius mind." "What can I say? Nakakaawa ka naman kung ipagdadamot ko pa iyon sa 'yo, Rhian." "Pasok ka na. Baka kung ano pa a

