MILES Can I call you mine? Kahit nandito na ako sa kuwarto ko at kasalukuyang nakahiga, patuloy pa ring nag-e-echo sa isip ko ang huling banat ni Nate. Talagang tinamaan ako sa pick up line niya. That exact moment he uttered the word 'mine', pakiramdam ko ay huminto ang pagtibok ng puso ko nang muling marinig mula sa bibig niya ang 4-letter word endearment niya sa 'kin more than three years ago. Iba pa rin ang epekto sa 'kin. And that same moment, gusto ko siyang sugurin ng yakap at halik dahil sa sobrang pagka-miss ko sa kanya. Sari-saring emosyon ang naramdaman ko nang mga oras na 'yon. Naalala ko rin ang sinabi nina Max at Sam kanina nang tawagan nila ako sa phone pagkauwi kong bahay. "Ano, Bhest? Siguro naman medyo natauhan ka na? Or don't tell me magmamatigas ka pa rin hanggang

