NATHAN "I forgot your name. Can I call you mine?" Biglang tumahimik ang paligid at walang nag-react sa huling banat ko. Nang pagmasdan ko ang reaction ni Miles, mukha siyang nagulat at nakatitig lang sa 'kin. At pati na rin ang mga kaibigan namin sa paligid ay bahagyang natigilan din. Wari bang may nasabi akong nakakagulat. At katulad ko, may pagtataka rin sa mukha ni Jared dahil sa reaction nilang lahat. Tumikhim ako para makuha ang atensiyon nila. At wari namang natauhan si Miles. She cleared her throat at pilit na ngumiti. "N-nice pick up line." Sabay iwas niya ng tingin. Gaya ng dati, may kakaiba na naman sa mga mata niya. I saw sadness and longing in her eyes. At may nakita rin akong namuong luha doon at mukhang pinipigilan lang niyang pumatak. May naalala ba siya sa huling ba

