MILES Quarter to 6AM na nang makauwi ako sa 'min. Inihatid ako ni Jared pauwi. "Magpahinga ka na. Kahit hindi ka na pumasok mamaya, okay lang," sabi niya nang bumaba na ako ng kotse niya. "Papasok ako mamaya. Mga hapon nga lang." "Okay. Papasok din ako mamaya." "'Wag ka ng pumasok mamaya." Ngumisi siya. "Inuutusan mo ba ako, Miss Buencamino? Technically, ako pa rin ang boss mo kaya papasok ako kung gusto ko." "Tsk. Hindi kita inuutusan. Nag-aalala lang ako dahil pagod ka na rin at mukhang walang tulog." Lumapit siya at pinisil ang ilong ko. "Salamat sa concern. 'Wag kang mag-alala sa 'kin. Kung papasok ka mamaya, papasok din ako. Mas mapapagod ako kung hindi kita makikita mamaya." Napangiti na lang ako sa banat niya. Alam kong pinapagaan niya ang loob ko at effective naman. Nagpa

