MILES Nandito ako ngayon sa bar kasama sina Max at Sam. Hinihintay kong dumating si Jared dahil sinabi kong sumunod dito. Mukhang may idea na siya kung bakit ako pumunta dito sa bar. And since wala pa si Jared, sa dalawang kaibigan ko inilabas ang sama ng loob ko sa nangyari kanina. Naiinis pa rin kasi ako sa nangyaring pag-uusap namin ni Nate kanina. At siyempre kung naiinis ako, mas naiinis si Max. "Ayan! Ayan na nga ba ang sinasabi namin sa 'yo noon pa! Kung noon pa lang sinabi mo na kay Nathan, eh 'di sana hindi kayo naghihintayan ngayon at nagkakaroon ng misunderstanding dahil diyan!" naiinis na sabi ni Max. "Max, 'wag mo ng sisihin si Bhest. Kita mo ngang nasasaktan na siya, ipagdidiinan mo pa. Maybe it's just not the right time para malaman ni Nathan ang nakaraan nila." "Lintek

